Hindi bababa sa 207 katao ang namatay at 900 ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang pampasaherong tren sa silangang estado ng Odisha ng India nitong Biyernes, iniulat ng Indian media.
Ang Coromandel Express, na tumatakbo mula Kolkata hanggang Chennai, ay bumangga sa isa pang pampasaherong tren, ang Howrah Superfast Express, sinabi ng mga opisyal ng riles.
Ang Howrah Superfast Express ay nadiskaril at sumubsob sa Coromandel Express, sinabi ng mga awtoridad ng South Eastern Railway sa isang pahayag.
Wala pang opisyal na kumpirmasyon sa bilang ng mga namatay sa sakuna, na naganap sa distrito ng Balasore. Sinabi ng mga ulat ng media na hindi bababa sa 50 katao ang namatay.
Sa ngayon higit sa 900 nasugatan na mga pasahero ang na-admit sa iba’t ibang mga ospital, ayon naman sa Punong Kalihim ng Odisha na si Pradeep Jena sa mga mamamahayag. RNT