Home NATIONWIDE Pagpatay sa OrMin brodkaster, isolated case lang – PNP chief

Pagpatay sa OrMin brodkaster, isolated case lang – PNP chief

MANILA, Philippines – Isolated case lang.

Ito ang turing ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa nangyaring pagpatay sa isang radio broadcaster sa Oriental Mindoro.

“Chief Acorda wants to emphasize the utmost importance placed on the safety and well-being of members of the working press,” saad ng PNP sa isang pahayag.

“While characterizing the incident as ‘isolated’, he acknowledges the inherent risks that journalists face in the pursuit of their professional duties,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Acorda na nakatuon ang PNP na protektahan ang mga mamamahayag at ang kanilang kalayaang mag-ulat nang walang takot.

Masusing tinitingnan ng mga imbestigador ang iba’t ibang anggulo upang matukoy ang mga suspek at matukoy ang motibo sa likod ng pagpatay sa radio broadcaster ng Oriental Mindoro, ani Acorda.

Matatandaan na noong Miyerkules, binaril hanggang sa mamatay ang radio broadcaster na si Cresenciano “Cris” Bunduquin sa Calapan City.

Sinabi ng pulisya na ang isa sa dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo ay binaril si Bunduquin ng ilang beses sa harap ng kanyang sari-sari store alas-4:20 ng umaga.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital si Bunduquin ngunit idineklara itong dead on arrival. RNT

Previous articleTeves nag-apply ng citizenship, political asylum sa Timor-Leste
Next article207 patay, 900 sugatan sa banggaan ng 2 tren sa India