Manila, Philippines- As far as the TVJ and the rest of the Eat Bulaga Dabarkads are concerned, nangyari na ang dapat mangyari.
Ang TVJ ay ang collective name ng comic trio nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon.
Pinangunahan ng pamosong triumvirate ang pagkalas sa Tape, Inc. na producer ng EB.
Naganap ito sa Facebook live ni Maine Mendoza nitong May 31 sa dahilang hindi sila pinayagang umere nang live sa araw na ‘yon upon the orders of Romeo Jalosjos Sr.
Sa guesting ni Tito sa programa ng mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola isang araw pagkatapos ng pamamaalam ng TVJ, sinabi nitong two hours later ay nagsumite na rin ng courtesy resignation ang iba pa nilang mga co-hosts.
Pirmado ito nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon at Maine Mendoza.
Ayon kay Tito, nakaalis na raw ng mga sandaling ‘yon si Allan K pero bumalik ito sa APT Studios nang malamang may hakbang ang mga kasamahan: “Allan K went back to sign the letter.”
Curious, tinanong ni Julius kung ano ang atmosphere sa loob ng hosts’ room after the TVJ announced their disengagement.
Ani Tito, “Eto scoop ‘to…siyempre, nagkaiyakan!”
Mabigat nga raw ang loob ng lahat but in his words, it had to happen.
Duda ni Tito: “May nagparating siguro na wrong info sa kanila. Dahil sa pagkakaalam ko, magmimiting kami para pag-usapan ang anniversary celebration ng show sa July.”
Tunay nga raw makadurog-puso ang kanilang naging desisyon but he thought it was for the best of the entire Dabarkads.
Patuloy pa ni Tito: “Kausap ko nga si Joey de Leon sa telepono, siguro, nakaapat na beses siya umiyak. Nakaka-touch naman kasi ‘yung mga nababasa naming naka-post sa social media.”
Mapapansin ding pigil na pigil si Bossing habang itinatawid ang kanyang pasasalamat sa kanilang pamamaalam.
Obyus na nagka-crack ang boses ni Vic pero napigilan niyang humulagpos ang kanyang emosyon.
As of nitong June 2, Biyernes ay replay pa rin ang napanood sa EB. Ronnie Carrasco III