Home METRO 21-anyos na driver sa SLEX hit-and-run, sumuko

21-anyos na driver sa SLEX hit-and-run, sumuko

2
0

MANILA, Philippines – Sumuko sa Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP HPG) ang 21-anyos na Indian-Filipino na si Manjot Singh matapos masangkot sa hit-and-run na insidente sa Southern Luzon Expressway (SLEX) kung saan nasugatan ang isang pulis na si Patrolman Jeric Aya-ay.

Pinalaya si Singh habang hinihintay pa ang pormal na pagsasampa ng kaso.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., si Singh ay taga-Marikina City. Kinumpirma naman ni HPG Director Brig. Gen. Rommel Batangan na sumuko siya noong Martes at nagbigay ng personal na paghingi ng tawad sa biktima.

Sa salaysay ni Singh, sinabi niyang hindi niya sinasadya ang pag-overtake, ngunit dahil sa takot at gulat matapos ang insidente ay agad siyang umalis.

Ayon pa sa HPG, natunton ang SUV na sangkot sa insidente sa isang repair shop sa Antipolo City, at nalaman ding ibinebenta ito online ng pamilya ni Singh. Matapos ang koordinasyon, sumuko siya sa HPG Intelligence Division.

Kasalukuyang inihahanda ang mga reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries at damage to property, pati abandonment of victim. Humiling din ang HPG sa Land Transportation Office na bawiin ang lisensya ni Singh.

Nasa kustodiya na ng HPG ang sasakyan bilang bahagi ng imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here