Home METRO 21 anyos na wanted sa 2 kaso ng Statutory Rape, kulong

21 anyos na wanted sa 2 kaso ng Statutory Rape, kulong

3
0

MANILA, Philippines – Kalaboso ang 21-anyos na kelot na wanted sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape nang masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan City Police Station.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth hinggil sa kinaroroonan ng akusado na residente ng Brgy., 5, ng lungsod ay agad ikinasa ng mga pulis ang pagtugis sa kanya.

Nakorner ng pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Women and Children Protection Desk ng Caloocan CPS ang akusado malapit sa kanyang tirahan.

Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga tauhan ni Col. Goforth sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng Statutory Rape na inisyu ng Family Court, Branch 1, Caloocan City.

Batay sa ulat, walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here