Home METRO 21 arestado sa peke, radioactive na bakal sa Davao

21 arestado sa peke, radioactive na bakal sa Davao

1
0

DAVAO, Philippines – Arestado ang 21 katao, kabilang ang 10 Chinese nationals, sa isang pabrika sa Davao City matapos matuklasan ng National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y nagbebenta at namamahagi ito ng substandard at radioactive na bakal.

Kinumpirma ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang presensya ng mapanganib na radioactive substances sa lugar. Ayon sa DENR, nalantad ang mga manggagawa sa delikadong kondisyon at walang tamang personal protective equipment (PPE) ang ilan sa kanila.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at 174 Filipino workers ang nasagip.

Ang 10 Chinese nationals ay kinilalang mga manager, supervisor, at technical o administrative personnel ng kumpanya.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Philippine Nuclear Safety Act, R.A. 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990, Presidential Decree No. 1586, at Consumer Act of the Philippines.

Ayon sa PAOCC, ang Davao Mighty Steel Corporation ay umano’y gumagawa at namamahagi ng substandard reinforcing steel bars. Wala pang pahayag ang kumpanya tungkol sa operasyon.

Nauna nang ni-raid ng NBI ang isa pang steel factory sa Pampanga na umano’y gumagawa rin ng substandard at radioactive na materyales. Pinaghihinalaan ng mga awtoridad na ang naturang pabrika ang nagsuplay ng bakal sa isang gusaling gumuho sa Angeles, Pampanga noong Mayo, kaya lumaki ang pangamba sa kaligtasan ng iba pang mga gusaling maaaring gumamit ng bakal mula Davao.

Patuloy ang koordinasyon ng NBI sa mga lokal na opisyal upang palalimin ang imbestigasyon, kabilang ang pagsusuri sa mga permit, work permits, at health clearances ng kumpanya at mga empleyado nito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here