Home METRO P1.36M tobats, nasamsam sa Capiz

P1.36M tobats, nasamsam sa Capiz

1
0

CAPIZ, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang humigit-kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1.36 milyon sa isang search warrant operation sa Barangay Bahit, Panitan, Capiz noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Police Regional Office 6 (PRO6), isinagawa ang operasyon laban kay alias “Kenn,” 43, isang high-value individual at regional priority target.

Hindi naabutan ang suspek sa kanyang bahay nang isilbi ang search warrant at patuloy siyang pinaghahanap.

Sinabi ng pulisya na mahigit isang taon silang nagsagawa ng intelligence monitoring, validation, at surveillance kaugnay ng umano’y ilegal na operasyon ng droga ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng Capiz.

Narekober sa operasyon ang dalawang plastik na bag at anim na heat-sealed sachet na may lamang hinihinalang shabu, gayundin ang mga drug paraphernalia.

Pinuri ni PRO6 Director Police Brig. Gen. Randulf Tuaño ang mga operatiba at sinabing napigilan ng operasyon ang pagkalat ng malaking halaga ng ilegal na droga sa mga komunidad.

“Although the target was not apprehended, we have successfully prevented a substantial volume of suspected shabu from reaching our communities. We will relentlessly pursue him and intensify our investigation to identify and hold his accomplices accountable,” ani Tuaño.

Naglunsad na ang pulisya ng follow-up operations upang matunton ang suspek at matukoy ang iba pang umano’y kasabwat sa kanyang drug network. Hinikayat din ang publiko na magbigay ng impormasyon na makatutulong sa kanyang pag-aresto. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here