Home NATIONWIDE 21 Chinese planes umaligid sa Taiwan sa pagtatapos ng drill

21 Chinese planes umaligid sa Taiwan sa pagtatapos ng drill

TAIWAN – Sinabi ng Taiwan nitong Lunes, Mayo 27, na nakapagtala ito ng 21 Chinese military aircraft at 15 navy o coast guard vessels sa paligid ng Taiwan sa nakalipas na 24 oras kahit tapos na ang isinagawang malawakang military drill ng Beijing.

Sa pahayag, sinabi ng Taiwan defense ministry na 10 Chinese aircraft ang tumawid sa Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa nakalipas na 24 na oras.

Noong Huwebes, pinaikutan ng mga barko at fighter jets ng China ang Taiwan sa drill na sinabi ng Beijing na pagsasanay ng kanilang abilidad na sakupin ang isla.

Ilang taon na ring ginigipit ng China ang Taiwan sa pagpapadala ng mga eriplano, drones at mga barko sa paligid ng naturang bansa. RNT/JGC