Home METRO 21 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

21 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

MANILA, Philippines- May kabuuang 21 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Kanlaon sa Negros Island sa muli nitong pagbuga ng abo, ayon sa state volcanologists hiwalay na ulat nitong Sabado.

Sa pinakabagong bulletin saklaw ang alas-12 ng hatinggabi ng Biyernes hanggang alas-12 ng hatinggabi nitong Sabado, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang plume ng Kanlaon ay “obscured” at ang edifice ay nananatiling “inflated.”

Bagama’t walang naitalang ash emissions sa nasabing period, naglanbas ang PAGASA ng time-lapse footage ng aktibidad nitong Sabado ng umaga.

“This event generated grayish plumes that rose 150 meters above the crater before drifting south west as recorded by the IP Cameras in Mansalanao, La Castellana (VKMN) station and Kanlaon Volcano Observatory in Canlaon City,” pahayag ng PHIVOLCS.

Nananatili ang Alert Level 3 sa Kanlaon.

Pinapayuhan ang mga residente sa six-kilometer radius mula sa summit ng bulkan na lumikas. Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan. RNT/SA