Home METRO Fluvial procession para sa Fiesta Señor celebration sa Cebu umarangkada

Fluvial procession para sa Fiesta Señor celebration sa Cebu umarangkada

MANILA, Philippines- Nakibahagi ang iba’t ibang vessel sa fluvial procession nitong Sabado para sa 460th Fiesta Señor celebration sa Cebu.

Ayon sa ulat, mahigit 350 vessels ang nakiisa sa aktibidad, kabilang ang “The Galleon,” na bagong gawang barkong tinawag na M/V Santo Niño-Cebu. 

Karga ng “The Galleon” ang mga imahe ni St. Joseph, Our Lady of Guadalupe, at Señor Santo Niño de Cebu. Dumating ito sa Pier 1 bandang alas-8 ng umaga. Ito ang huling titigilan ng fluvial procession bago dalhin ang Holy Family sa Basilica sa pamamagitan ng maiksing prusisyon.

Nagsagawa rin ng reenactment ng paglalagay ng Krus, unang pagbibinyag, misa, at kasal sa Cebu sa Santo Niño Pilgrim Center. Ipinapakita sa aktibidad ang pagsisimula ng Kristiyanismo sa mga Pilipino noong 1521. 

Samantala, aarangkada ang Sinulog Festival sa Linggo, Enero 19. 

Nitong Biyernes, nagsagawa ng prusisyon sa imahe ni Our Lady of Guadalupe, patroness ng Cebu, sa Fuente Osmeña. Base sa ulat, nasa 300,000 ang nakilahok sa “Penitential Walk with Mary.” RNT/SA