Home METRO 22 pagyanig, naitala sa Mayon

22 pagyanig, naitala sa Mayon

1
0

ALBAY, Philippines – Umabot sa 22 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Setyembre 29, 2026.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon at patuloy na nakikita ang pagbuga ng usok mula sa bunganga nito.

Namataan din ang pamamaga ng bulkan na sinundan ng panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ), gayundin ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa panganib ng pagputok.

Nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng biglaang pagputok, pagguho ng bato at pag-agos ng lahar, lalo na kapag may matinding pag-ulan. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here