Home HOME BANNER STORY COA, nakakita ng P938K overpayment sa DepEd voucher program

COA, nakakita ng P938K overpayment sa DepEd voucher program

1
0

MANILA, Philippines – Nakakita ang Commission on Audit (COA) ng ilang “unverifiable” beneficiaries sa DepEd voucher program para sa school year 2025-26, na nagresulta sa P938,000 overpayment sa government assistance.

Ayon sa COA, hindi nito nakumpirma ang 58 sa 5,507 beneficiaries na isinailalim sa validation mula sa 571 senior high schools. Kabilang sa mga dahilan ang pag-drop out, paglipat ng paaralan, hindi pag-enroll sa second semester, pagkamatay at kawalan ng school records.

Sa 58 unverified beneficiaries, 32 ang nag-drop out, 12 ang lumipat ng paaralan, 11 ang hindi nag-enroll sa second semester, dalawang naiulat na namatay at isang beneficiary ang hindi nakita sa validation at walang available na records.

Nakapaglabas na ng bayad ang DepEd sa mga paaralan ng 53 sa mga unverified beneficiaries, na naging dahilan ng P938,000 overpayment.

May kabuuang 172,909 beneficiaries ang GASTPE voucher program nationwide para sa school year 2025-26, hindi kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Negros Island Region.

Binigyang-diin ng COA na nawawala ang entitlement sa subsidy ng estudyanteng nag-drop out sa school year, batay sa Department Order No. 20, series of 2023. Kailangan ding ibalik ng participating schools sa DepEd ang sobrang bayad.

Ayon sa COA, responsibilidad ng mga paaralan na i-update ang status ng kanilang mga estudyante habang nagsasagawa naman ang DepEd ng karagdagang verification.

Inirekomenda ng COA sa DepEd na tiyaking beripikado ang enrollment status at pagkakakilanlan ng mga unverified beneficiaries at siguraduhing tama ang mga dokumentong isinusumite ng participating senior high schools. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here