PARAÑAQUE CITY, Philippines – Nadakip ang isang lalaking kabilang sa Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A matapos isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya habang naglalakad sa harap ng Baclaran Church.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ivan,” na nahaharap sa kasong Qualified Rape. Isinagawa ang operasyon bandang alas-7:30 ng umaga ng Regional Intelligence Team (RIT), kasama ang Cavite RID 4A at Parañaque Component City Police Station Sub Station 1.
Ang warrant ay inisyu ni Hon. Josielyn Lara de Luna ng Regional Trial Court Branch 129, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang panghahalay bandang alas-3 ng madaling araw noong Enero 2026 sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City. Niya niyaya umano ng mga suspek ang biktima, na kanilang kakilala, sa bahay ng isa sa kanila.
Nag-inuman umano ang grupo hanggang malasing ang biktima. Nang magising ito, nakita niyang nakapatong sa kanya ang isa sa mga suspek habang ang isa pa at si alyas “Ivan” ay halinhinang humahawak sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.
Nasa kustodiya na ngayon ng Dasmariñas Police Station ang suspek. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kasong kinahaharap niya. MARGIE BAUTISTA