SUDAN – Patay ang 22 katao dahil sa cholera outbreak sa Sudan.
Sa pahayag ni Health Minister Haitham Mohamed Ibrahim, nasa 22 katao ang nasawi dahil sa sakit at nasa 354 naman ang kumpirmadong kaso ng cholera sa buong bansa sa mga nakalipas na linggo.
Hindi naman nagbigay ng eksaktong panahon si Ibrahim kung kailan naitala ang mga nasawi.
Sa kabila nito, sinabi ng World Health Organization na nakapagtala ng 78 nasawi dahil sa cholera ngayong taon sa Sudan.
Nasa 2,400 katao rin ang apektado ng nasabing sakit mula Enero 1 hanggang Hulyo 28. RNT/JGC