Home METRO 3 HVI tiklo sa P1.7M shabu sa Pampanga

3 HVI tiklo sa P1.7M shabu sa Pampanga

186
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong high-value individuals (HVI) sa nasamsam na mahigit P1.7 milyong halaga ng shabu sa operasyon sa Pampanga nitong Linggo ng gabi, Agosto 18.

Sa pahayag, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 3 (Central Luzon) officer-in-charge Brig. Gen. Benjamin Sembrano na ang mga suspek na kilala sa alyas na “Alex,” 47; “Amino,” 38; at “Amed”, 38 ay naaresto sa Barangay San Jose sa San Fernando City.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 260 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.768 milyon.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here