Home METRO Kelot binaril-patay sa loob ng van sa Antipolo

Kelot binaril-patay sa loob ng van sa Antipolo

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng sasakyan nito sa Brgy. Bagong Nayon sa Antipolo, Rizal nitong Linggo, Agosto 18.

Ayon kay Antipolo City Chief of Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, ang biktima ay residente ng Bgy. Sta Cruz at asawa ng kagawad ng naturang barangay.

“According sa mga witnesses natin ang ating biktima ay nakasakay sa kanyang van kung saan siya ay nakita at kasama ang suspek na nag-uusap. Nasa loob ng sasakyan nag-uusap habang nasa labas ang suspek, at that instance pinaputukan siya ng isa lang sa ulo which led to the untimely death ng victim,” pahayag ni Manongdo sa panayam ng ABSCBN News.

Naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad.

“Tumakas po siya and then nakatanggap tayo ng impormasyon sa mga witnesses kaya po nahuli natin ang suspek within two hours,” dagdag ni Manongdo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang suspek ay residente rin ng kaparehong barangay.

Inaalam pa kung ano ang posibleng motibo ng krimen.

Samantala, itinanggi ng suspek na may kinalaman siya sa pamamaril.

Mahaharap ang suspek sa reklamong murder. RNT/JGC