Home NATIONWIDE ‘Very unhealthy’ air condition naitala sa ilang lugar sa Metro Manila

‘Very unhealthy’ air condition naitala sa ilang lugar sa Metro Manila

MANILA, Philippines – Naitala ang “very unhealthy” air quality sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) nitong Lunes ng umaga, Agosto 19, ayon sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR – EMB).

Hanggang nitong alas-10 ng umaga, sinabi ng DENR – EMB’s Real-Time Ambient Air Quality Monitoring na ang air quality sa mga sumusunod na lugar ay umabot sa “very unhealthy” at “unhealthy for sensitive groups” levels:

Makati – 163 air quality index index (AQI), very unhealthy
Pateros – 144 AQI, unhealthy for sensitive groups
Parañaque – 133 AQI, unhealthy for sensitive groups
Caloocan – 116 AQI, unhealthy for sensitive groups

Ang iba naming mga istasyon para sa air quality monitoring ay nananatiling offline.

Ang “very unhealthy” level ranges ay mula 151 hanggang 200 AQI, hudyat na kailangang manatili sa loob ng Bahay ang mga taong may heart o respiratory diseases katulad ng asthma.

Ang “unhealthy for sensitive groups” level ay mula 101 hanggang 150 AQI, na nangangahulugang kailangan limitahan ng mga taong may respiratory disease katulad ng asthma ang outdoor activities. RNT/JGC