MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Northern Samar nitong Lunes ng umaga, Agosto 19.
Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol 11:39 ng umaga.
Naitala ang epicenter nito sa layong 34 kilometro hilaga ng Pambujan, at may lalim na 54 kilometro.
Iniulat naman ang mga sumusunod na intensity sa naturang mga lugar:
Intensity V – Bobon, Catarman, Laoang, Lavezares, Palapag, Rosario, at San Roque, Northern Samar
Intensity IV – Pilar at Sorsogon City, Sorsogon
Intensity III – Legazpi City at Tabaco, Albay;
Virac, Catanduanes; Masbate City, Masbate; Bulusan at Irosin, Sorsogon; Burauen at Javier, Leyte
Intensity II – Calubian, Hilongos, Leyte, at Mahaplag, Leyte; Hinunangan at Sogod, Southern Leyte
Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V – Rosario at San Roque, Northern Samar
Intensity IV – Bulusan at Sorsogon City, Sorsogon; Can-Avid, Eastern Samar; Abuyog, Leyte; Gandara, Samar
Intensity III – Legazpi City at Tabaco City sa Albay; Masbate City at Uson, Masbate; Pilar, Sorsogon; Sulat, Eastern Samar; Alangalang, Carigara, Dulag, at Javier, Leyte
Intensity II – Tinambac, Camarines Sur; Aroroy, Batuan, Cataingan, Esperanza, at Milagros, Masbate; Burauen, Calubian, Hilongos, Kananga, Leyte, Mahaplag, at Palo, Leyte; Hinunangan at Sogod, Southern Leyte
Intensity I – Caramoan at Pasacao, Camarines Sur; Claveria, Masbate; Roxas City, Capiz; Cebu City; Albuera, Leyte
Wala naming inaasahang pinsala sa lindol ngunit posible ang aftershock. RNT/JGC