Home NATIONWIDE Mga eroplano pinaiiwas sa paglipad sa ibabaw ng Taal

Mga eroplano pinaiiwas sa paglipad sa ibabaw ng Taal

MANILA, Philippines – Inabisuhan ang mga piloto na iwasan muna ang paglipad sa ibabaw ng Bulkang Taal dahil sa patuloy na paglalabas nito ng volcanic smog o vog.

Nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng Notice to Airmen (NOTAM) para sa mga flight malapit sa Bulkang Taal, na may vertical limit mula sa lupa na 10,000 talampakan.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal na nangangahulugang ito ay nananatili sa “abnormal condition and should not be interpreted to have ceased unrest nor ceased the threat of eruptive activity.”

“Flight operators are advised to avoid flying close to the volcano’s summit due to the possibility of sudden and hazardous steam-driven or gas-driven eruptions that may pose a risk to aircraft,” sinabi ng CAAP.

Ang abiso ay epektibo mula 8:48 ng umaga ng Agosto 19 hanggang alas-9 ng umaga ng Agosto 20. RNT/JGC