Home ENTERTAINMENT Lovelife ni Karla, nganga!

Lovelife ni Karla, nganga!

Manila, Philippines – Wala tayong kamalay-malay, all along pala’y zero na rin ang lovelife ni Karla Estrada.

Hindi maiwasang ikumpara ang kapalaran ng TV host-actress sa sinapit ng anak na si Daniel Padilla sa aspeto rin ng pag-ibig.

Kung ating babalikan, November 30 last year nang kapwa kinumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel sa kani-kanilang social media accounts na hiwalay na sila.

Little did we know na mas nauna pa pala nang ilang buwan na break na si Karla sa kanyang nobyong si Jam Ignacio.

Nito lang na-realize ng mga netizens na wala nang ipino-post ang ina ni Daniel tungkol sa kanila ni Jam.

Deleted na rin sa social media ang kanilang mga “resibo” of their happier times together.

Napaamin tuloy nang ‘di oras si Karla, validating the netizens’obsevation na back to zero ang kanyang lovelife.

Mabilis naman ang naging depensa ni Karla.

Aniya, hindi naman daw lahat na lang ng mga kaganapan sa kanyang buhay ay kailangang ibahagi sa social media.

In short, may mga bagay lang na for public consumption.

Very glaring naman kasi ang pinakahuling post ni Karla about her personal life: March of 2023.

Doing the math, March or thereabouts ay wala na sila ni Jam.

Parang mga ganito ring panahong nagsisimula nang magkaroon ng problema ang KathNiel, nag-accumulate na lang until it went kaput.

Sa ngayon daw ay focused muna si Karla on her hosting career kahit marami ang nagsasabing kahit slight ay hindi siya kinakikitaan ng improvement.

On her rumored political plans naman, medyo alanganin pa raw si Karla na tumakbo for a local post nang hindi pa raw siya fully prepared. Ronnie Carrasco IIi