Manila, Philippines – May kasabihan ngang “Don’t judge a book by its cover.”
Sa kaso ni Chloe San Jose na laking Australia, never judge her on the basis of her manners.
Kung gaano kanegatibo ang persepsyon ng publiko sa nobya ni Carlos Yulo ay siyang kabaligtaran ng tunay na pagkatao nito.
Ito ang isiniwalat mismo ng mentor ng two-time Olympic gold medalist at Pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na si Cynthia Carrion.
Sa panayam ng DWIZ sa kanya, inilarawan ni Carrion si Chloe bilang mabait at malambing na tao.
Aniya, “She’s so sweet and so nice if you will only get to know her!”
Sa katunayan, boto nga raw si Carrion bilang inspirasyon ni Carlos sa tinamong tagumpay nito sa katatapos lang na Paris Summer Olympics.
Isa pang ibinunyag ni Carrion ay ang plano sana ni Chloe na bigyan ng dinner ang kani-kanilang pamilya.
Ito’y bago napaulat ang ‘di pagkakaunawaan ni Carlos at ng kanyang pamilya.
Binalak daw ni Chloe na pagsamahin ang Yulo at San Jose families over dinner.
Aware din daw si Carlos sa planong ito ng nobya.
‘Yun nga lang, hindi na muna itinuloy ni Chloe ang planong hapunan ng dalawang pamilya sa kasagsagan ng kontrobersya.
Minabuti raw ng magkasintahan na hintayin muna ang mga susunod na pangyayari.
Matatandaang pinaratangan ng publiko si Chloe na nakikiagaw ng atensyon mula kay Carlos.
Maging ang mga kilos nito’y hindi rin pinalampas ng mga netizen.
Nauna rito’y sinabi ng kampo ni Carlos na si Chloe ang naglayo sa nobyo sa pamilya nito.
Ipinagtanggol naman ni Carlos ang kanyang nobya.
Dahil din napulaan sa paggawa ng eksena when her boyfriend was supposed to be the center of attention kung kaya’t tumangging magpainterbyu ni Chloe kay Mariz Umali ng GMA.
Inaantabayanan kung matutuloy pa ba ang planong dinner ni Chloe na pagsasaluhan ng Yulo at San Jose families. Ronnie Carrasco III