MANILA, Philippines – Posibleng magdeklara ng dengue outbreak sa bansa ang Department of Health (DOH) dahil sa kasalukuyang bilang ng mga kaso.
Ayon kay Secretary Teodoro Herbosa, maaaring umabot na sa “outbreak level,” ang dengue cases.
Ito ang inihayag ni Herbosa sa isang press conference nang tanungin kung plano ng ahensya na magdeklara ng dengue outbreak sa bansa.
“Based on my conversation with the Epidemiology Bureau director, pang outbreak levels na ang ating dengue,” saad ni Herbosa.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Herbosa at kung ilan na ang datos o bilang ng mga kaso ng dengue sa Pilipinas.
Ang dengue ay nakukuha sa mga lamok na namumungad sa mga naiipong tubig o stagnant water.
Payo ng DOH sa publiko, panatilihing malinis ang kapaligiran at puksain ang mga maaring pamahayan ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Jocelyn Tabangcura-Domenden