Manila, Philippines- Hindi na makikita sa katawan ni Philmar Alipayo ang kontrobersyal na 224 tattoo na muntik nang ikawasak ng pagsasama nila ni Andi Eigenmann.
Sa kanyang Instagram Story, makikita na ibang disensyo na ng tattoo ang pumalit sa 224.
Matatandaang lumikha ng ingay ang sabay na pagpapa-tattoo ni Philmar at Swiss friend niyang si Sjoo Pernilla.
Kapwa surfer sila na naka-base sa Siargao.
Ang ibig sabihin ng 224 ay “today, tomorrow, forever.”
It fueled talks na may namamagitang relasyon sa dalawa, bagay na kapwa nila itinanggi.
Maging si Andi ay naglinaw na hindi nagtaksil sa kanya ang ama ng kanilang dalawang anak, kundi betrayal on Sjoo’s part.
Kaagad ding nagkaayos ang engaged couple nang bumisita sa Siargao ang lolo’t lola ni Andi.
Ang mga ito’y magulang ng ama niyang si Mark Gil na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.
Back to being sweet naman si Philmar na may Valentine gift kay Andi mula sa puso ng saging na ginawang bouquet. Ronnie Carrasco III