MYANMAR – Umakyat na sa 226 ang death toll mula sa malawakang pagbaha sa Myanmar.
Ibinabala naman ng United Nations na nasa mahigit 630,000 katao ang nangangailangan ng agarang tulong dahil sa epekto ng pagbaha.
Matatandaang nanalasa ang bagyong Yagi sa northern Vietnam, Laos, Thailand at Myanmar taglay ang malakas na hangin at malalakas na pag-ulan dahilan para sa malawakang pagbaha, at pagguho ng lupa.
Kinumpirma ng State TV ng Myanmar na mayroong 226 katao ang nasawi hanggang nitong Lunes, Setyembre 16. Mayroon naming 77 ang nawawala.
Sinabi pa na 260,000 ektarya ng palayan at iba pang taniman ang sinira ng pagbaha.
Ayon sa UN World Food Program, ito ang isa sa pinakamatinding pagbaha na naranasan ng Myanmar sa kasaysayan. RNT/JGC