PANGASINAN-Isinugod sa ospital ang isang 64-anyos na lalaki matapos na saksakin sa ulo ng mister ng kanyang anak sa bayan ng Natividad sa lalawigang ito kagabi, Setyembre 16.
Arestado naman ang 32-anyos na suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek na nasa impluwensya ng alak at ang misis nito ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa loob ng kanilang bahay.
Dahil dito, lumabas ang biktima sa kanyang silid at lumapit sa dalawa ngunit sinasak siya ng kitchen knife sa ulo ng suspek.
Ang biktima ay isinugod sa Eastern Pangasinan District Hospital sa Tayug, Pangasinan. Rolando S. Gamoso