Home HOME BANNER STORY 22M litro ng diesel na binili ng pamahalaan dumating na sa bansa

22M litro ng diesel na binili ng pamahalaan dumating na sa bansa

174
0

MANILA, Philippines – Naideliver na sa bansa ang nasa 22.58 milyong litro ng diesel na binili ng Pilipinas.

Sa Facebook post nitong Huwebes, Marso 26, sinabi ng Department of Energy (DOE) na nasa 142,000 bariles ng diesel ang binili sa ilalim ng Emergency Energy Security Program, na pinaglaanan ng P20 bilyong badyet.

Ang programa ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan kasunod ng pag-iisyu ng Executive Order (EO) 110, na nagdedeklara ng national energy emergency dahil sa epekto ng tensyon sa Middle East.

Layon ng pamahalaan ng bumili ng hanggang dalawang milyong bariles ng karagdagang suplay ng langis sa pamamagitan ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) at PNOC Exploration Corporation (PNOC EC).

“Patuloy ang pagtutok ng DOE upang madagdagan ang suplay ng langis sa bansa. Ang mabilis na pagdating ng diesel na ito ay bahagi ng mga hakbang para hindi maantala ang biyahe, hanapbuhay, at pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino,” sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin.

Ayon kay Garin, ang pagdating ng diesel ang kauna-unahang delivery mula sa ibang bansa at “there will be more deliveries in the coming days or weeks.”

“We’ve been working on this for three weeks, so to me, it looks like the most beautiful ship ever,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here