MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 23 Filipino domestic workers ang apektado ng Level 5 fire sa isang high-rise apartment sa Tai Po, Hong Kong, habang isa ang nawawala. Wala pang kumpirmadong Filipino casualties.
“The Consulate, together with the MWO-HK and OWWA-HK, conducted a joint visit of the shelters administered by the Hong Kong government to extend assistance to Filipino nationals affected by the fire,” ayon sa DFA.
Isa sa mga OFW ay kasalukuyang nasa intensive care.
Iniulat ng mga awtoridad na ang sunog, na itinuturing na pinakamatindi sa Hong Kong sa mga nakaraang dekada, ay pumatay ng 65 katao, at daan-daang ang nawawala.
Tatlong empleyado ng construction company ang inaresto dahil sa manslaughter matapos gumamit ng madaling masunog na materyales sa renovation ng gusali. Dave Baluyot