Manila, Philippines – May tweets ang ilang bubuwit na pinalayas daw umano si Sarah Lahbati ng ex ng kanyang rumored dyowa sa isang after-party.
Pagkatapos daw kasi ng Tatler-style event sa Shang Fort, pumunta ang lahat ng guests sa Medusa bar.
Dumating daw sa nasabing venue si Rocio Zobel, rumored ex ni Marty Romualdez, kasama sina Pia Wurtzbach at Georgina Wilson.
A little later, umeksena rin daw si Marty na nali-link kay Sarah Lahbati.
Nagpakita rin daw si Sarah sa nabanggit na pagtitipon.
Pero nang makita raw ni Rocio si Sarah ay lumapit daw ito sa tatay na si Iñigo Zobel at may ibinulong.
Ang nangyari raw ay kinausap ng top honcho ng Top Frontier Investment Holdings ang kanyang staff at ang mga sumunod na mga eksena raw ay pinakiusapan na si Sarah na umalis.
Bagama’t nagulat, wala raw namang nangyaring komosyon o drama habang ini-escortan ang aktres ng staff palabas ng venue.
Sey pa nga raw ng spectators, para raw silang nanonood ng eksena sa isang Manila high society teleserye dahil sa nangyari.
Pero, how true kaya ito?
Totoo nga kayang nagselos o na-insecure si Rocio kay Sarah?
May mga kibitzers pang nagsabing nag-power trip daw umano ang ex ni Marty kay Sarah.
May ilan namang nagmamahadera ang nag-opinyong posible raw na nagkabalikan sina Marty at ang ex nitong si Rocio.
Anyway, bukas ang pahinang ito sa panig ni Sarah at ng mga Zobel hinggil sa pangyayari. Archie Liao