Home NATIONWIDE Pelikulang ‘Ngongo’ sinita ng DSWD

Pelikulang ‘Ngongo’ sinita ng DSWD

271
0

MANILA, Philippines – Pinuna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kasalukuyang produksyon ng lokal na pelikulang Ngongo dahil sa paggamit ng derogatoryong salita at diskriminatoryong pagtrato sa mga taong may kapansanan.

“Ang anumang uri ng diskriminasyon, sa pelikula man, sa media, o sa komunidad, ay hindi natin dapat tino-tolerate,” ani Irene Dumlao, Assistant Secretary ng DSWD.

Nagpahayag din ang National Council on Disability Affairs (NCDA) ng “malalim na pag-aalala at matinding pagkondena,” na binanggit na nilalabag ng pelikula ang prinsipyo ng dignidad, respeto, at inklusyon sa ilalim ng Magna Carta for Persons with Disabilities, RA 9442, at UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities.

“Hindi dapat ginagamit ang kapansanan para sa libangan o katatawanan. Malaki ang papel ng media at creative industries sa paghubog ng pananaw ng publiko, kaya mahalaga na ang pagpapakita ay sumusunod sa human rights standards,” ayon sa NCDA.

Binigyang-diin ni Dumlao ang kahalagahan ng responsableng storytelling, at binigyang babala na ang nakasasamang representasyon ay nagpapatibay sa maling paniniwala at nakahahadlang sa tamang pag-unawa sa kapansanan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here