Home NATIONWIDE 238 estudyante naospital sa food poisoning sa Guimaras

238 estudyante naospital sa food poisoning sa Guimaras

285
0

MANILA, Philippines – Nasa 238 estudyante sa Guimaras ang isinugod sa ospital matapos makitaan ng sintomas ng hinihinalang food poisoning.

Ayon sa ulat, nakaranas ng pagsusuka, diarrhea, at pagkahilo ang mga estudyante mula sa College of Business and Management ng Guimaras State University sa Buenavista matapos makakain ng pagkaing inihanda ng independent caterer.

Karamihan sa mga nagpakita ng sintomas ay kumain ng spaghetti kasabay ng isang business convention noong Nobyembre 15, 2024.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mahigit 1,400 packs ng spaghetti ang inihanda.

Tanging 500 lamang ang dumalo sa aktibidad, ngunit mahigit 300 estudyante sa isa pang event ang humiling na kunin na lamang ang mga extra food pack.

Ang 500 estudyante ay bahagi ng event mula alas-10 ng umaga hanggang tanghali ng Nobyembre 15, habang ang iba pang estudyante ay kumain ng spaghetti sa kanilang event ng hapon.

Sa kabila nito, hindi lamang ang mga kumain ng spaghetti ang nagpakita ng sintomas, dahilan para mag-imbestiga pa nang mabuti ang mga awtoridad sa insidente.

“Ang sa mga sample na nakuha ng mga personnel ng RHU, ipapa-laboratory pa nila. So ang makadeklara nito o makabigay ng findings, kung ano ang dahilan ng pagsakit ng tiyan ng mga bata,” ayon kay Captain Rene Mercado, officer in charge ng Buenavista Municipal Police Station.

Nangako ang unibersidad na sasagutin ang medical expenses ng mga biktima.

Sa ngayon, anim na pasyente ang nasa ospital pa rin sa Buenavista, habang dalawa ang nasa Jordan.

Anang pulisya, 28 pasyente ang under monitoring. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here