Maigting na ang pagpapatupad ng Comelec Checkpoint ng mga tauhan ng Manila Police District sa Ermita Police Station 5 sa kahabaan ng MEL LOPEZ Blvd. alinsunod sa itinakdang election gun ban. CRISMON HERAMIS
MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police commanders sa buong bansa na tiyakin ang 24-oras na pagsasagawa ng checkpoint at strategic deployment ng mga pulis sa high-risk areas sa pagsisimula ng campaign period para sa national candidates at party-list groups sa Martes, Pebrero 11, 2025.
Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na kasabay ang pagsasagawa ng checkpoint at strategic deployment ang walang humpay na kampanya laban sa private armed groups, wanted criminals at loose firearms.
“As we approach the midterm elections, the PNP remains steadfast in its duty to uphold peace and security. Any actions that incite violence, intimidate voters, or undermine the electoral process will be met with the full force of the law,” wika ni Marbil.
Ani Marbil, bahagi ang pinaigting na security measures ng comprehensive100-day security plan para sa midterm elections sa May 12 na nilalayong tugunan ang mga potensyal na banta, buwagin ang private armed groups, at panatilihin ang kaayusan bago, sa kasagsagan, at matapos ang eleksyon.
“No political ambition should compromise public safety. The PNP will remain vigilant in ensuring that the elections are conducted peacefully, and those who attempt to disrupt this process through violence or intimidation will be held accountable,” giit ni Marbil.
“Let me be clear: while we are fully committed to ensuring the success of the elections, the safety of our people remains our top priority. Our fight against crime, illegal drugs, and terrorism will continue with the same intensity and determination,” aniya pa. RNT/SA