Home NATIONWIDE 24-oras na road repairs sa Metro Manila kasado sa Holy Week

24-oras na road repairs sa Metro Manila kasado sa Holy Week

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 24-oras na pagkukumpuni ng kalsada sa Metro Manila simula ngayong Semana Santa.

Ayon kay DPWH-NCR Director Loleta Malaluan, mayroong 30 road sections sa Quezon City, Malabon, Caloocan, Makati, at Pasig City na sasailalim sa re-blocking, line canal works, sidewalk repair, at flyover retrofitting.

Mga flyover na aayusin:

Magallanes – EDSA Flyover (Northbound)

C5 Ortigas Flyover (Southbound)

Ortigas C5 Interchange

Kamuning EDSA Flyover

πŸ› οΈ Schedule ng repairs:

April 16, 11PM hanggang April 21, 5AM

Susunod na schedules (weekend repairs):
β–ͺ April 25–28
β–ͺ May 2–5
β–ͺ May 9–12
β–ͺ May 16–19
β–ͺ May 23–26
β–ͺ May 30–June 2, 2025

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternate routes at adjacent lanes sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang abala sa biyahe. RNT