Home NATIONWIDE Remittance rate sa Pebrero tumaas ng 2.7%

Remittance rate sa Pebrero tumaas ng 2.7%

MANILA, Philippines – Tumaas ng 2.7% ang padalang salapi ng mga overseas Filipino workers (OFWs) noong Pebrero 2025, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Aabot sa $2.716 bilyon ang cash remittances na naitala sa pamamagitan ng mga bangko—mas mataas kaysa sa $2.646 bilyon noong Pebrero 2024, bagama’t bahagyang mas mababa kumpara sa $2.918 bilyon noong Enero.

Sa kabuuan ng unang dalawang buwan ng taon, umabot na sa $5.633 bilyon ang remittances—mas mataas ng 2.8% kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Ayon sa BSP, ang pagtaas ay dahil sa mas mataas na padala mula sa US, Saudi Arabia, Singapore, at UAE.

Top sources ng cash remittances mula Enero–Pebrero 2025:

US – 40.9%

Singapore – 7.6%

Saudi Arabia – 6.0%

Japan – 5.3%

UK – 4.8%

UAE – 4.0%

Canada – 3.2%

Taiwan – 2.9%

Qatar – 2.8%

Hong Kong – 2.6%

Ang personal remittances (kabilang ang informal channels) ay tumaas din ng 2.6% sa $3.024 bilyon noong Pebrero mula sa $2.946 bilyon noong nakaraang taon.

Ang year-to-date na personal remittances ay tumaas ng 2.7% sa $6.267 bilyon mula sa $6.100 bilyon noong 2024. RNT