Home NATIONWIDE 24 patay sa habagat, bagyong Ferdie, Gener, Helen

24 patay sa habagat, bagyong Ferdie, Gener, Helen

186
0

MANILA, Philippines – Tumaas sa 24 ang naiulat na bilang ng nasawi dahil sa Southwest Monsoon o Habagat at Tropical Cyclones Ferdie, Gener, at Helen, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Sa ulat nitong alas-8 ng umaga, sinabi ng NDRRMC na siyam sa mga nasawi ay naiulat sa Mimaropa, lima sa Western Visayas, tig-apat sa Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at dalawa sa Central Visayas.

12 tao ang nawawala sa Mimaropa at dalawa sa Zamboanga Peninsula.

Samantala, 13 indibidwal din ang nasaktan dahil sa epekto ng Habagat at tatlong tropical cyclone, ayon sa NDRRMC.

Ang mga ulat na ito tungkol sa mga nasawi ay patuloy pa ring pinapatunayan, sabi ng NDRRMC.

Idineklara rin ang state of calamity sa San Enrique, Negros Occidental at Pandan, Antique, ayon sa NDRRMC.

Ang Habagat at ang tatlong bagyo ay nagdulot ng mga pagbaha, mga insidente sa dagat, pagkalunod, mga natumbang puno, pagbagsak ng mga istruktura, at malalaking alon.

Apektado ng masamang panahon ang 1,303,677 katao o 356,578 pamilya sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM), at Cordillera.

Mapanganib na kumbinasyon ng pagkain na dapat mong iwasan Mapanganib na kumbinasyon ng pagkain na dapat mong iwasan

Karamihan sa mga apektadong tao ay naiulat sa Kanlurang Visayas na may 445,137.

Sa apektadong populasyon, 40,551 katao o 10,310 pamilya ang nananatili sa loob ng mga evacuation center, habang 54,140 indibidwal o 12,258 pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.

Naiulat ang pinsala sa imprastraktura na nagkakahalaga ng P22,571,500. May kabuuang 2,154 na bahay din ang nasira, kung saan 1,822 ang partially at 332 ang ganap na nawasak.

Naapektuhan ang power supply at communication services, gayundin ang flight at sea trip. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here