Home NATIONWIDE Cassandra Ong, 30 araw ikukulong sa koreksyonal

Cassandra Ong, 30 araw ikukulong sa koreksyonal

Manila, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay muling na-cite in contempt ng Quad Comm si Katherine Cassandra Li Ong at ito ay mananatili ng 30 araw sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ukol sa iligal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nananatili si Ong sa Kamara at ililipat lamang sa September 26 sa Mandaluyong matapos ang naunang 30 araw na naunang desisyon ng Quad Comm.

Nagmosyon si Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano, co-chair ng Quad patawan ng contempt nang hindi tuwirang matukoy ni Ong kung kailan at saan niya natapos Alternative Learning System (ALS) noong 2016 o 2017.

Si Ong ay iniuugay sa operasyon ng POGO sa Porac, Pampanga na sinalakay ng mga otoridad dahil sa iba’t ibang nabunyag na iligal na altibidad na nauna ng na-contmpt dahil sa pagbibigay rin ng maling impormasyon.

“You’re lying, Ms. Cassandra Ong. Remember, previously you were cited in contempt, and I will once again cite you in contempt for lying,” ani Paduano kay Ong nang bigyang diin nito na hindi niya maalala ang public school kung saan niya tinapos ang ALS.

“Kahit sinong tanungin mo dito, alam nila kung saan sila nag-elementary, saan sila nag-high school,” giit ni Paduano.

Sinundan pa ito ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop sa pagsasabing, “Ako ang matanda na pero alam ko pa rin kung saan ako nag-graduate ng elementary school. Tapos ikaw, batang-bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka nagtapos. Anak ng tinapay naman.”

Agad namang inaprubahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang mosyon ni Paduano at kasunod ito ng mosyon ni Acop na si Ong ay dalhin na sa CIW dahil ang detention facility sa Kamara ay puno na.

“Since Ms. Cassandra Ong was already cited in contempt, may I move that she be detained sa Correctional Institution for Women,” dagdag pa ni Acop. (Meliza Maluntag)