MANILA, Philippines- May kabuuang 2,424 amnesty applications mula sa mga dating rebelde ang natanggap at naproseso ng National Amnesty Commission (NAC), isang taon matapos simulan ng gobyerno na tumanggap ng requests na tanggalin ang kanilang criminal liabilities para sa dating political offenses.
Hanggang nitong March 7, tinanggap ng NAC ang 1,546 aplikasyon mula sa mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF); 518 mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF); 297 mula sa Moro National Liberation Front (MNLF); at 63 mula sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB).
Ayon sa NAC nitong Sabado, ito ay “testament of the strong response the government’s amnesty program received from individuals seeking to benefit from it.” RNT/SA