Home METRO 25-anyos na wanted sa panggagahasa sa menor de edad arestado

25-anyos na wanted sa panggagahasa sa menor de edad arestado

MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang lalaking 25-anyos dahil sa kaso ng pang-aabuso at panghahalay sa isang menor-de-edad sa Valenzuela City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela police Acting Chief P/Col. Gerson Bisayas ang munhant operation kontra sa akusadong si alyas “Rafael”, na nakatala bilang Most Wanted Person (MWP) sa Cavite makaraang makatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ito sa Valenzuela City.

Dakong alas-5:10 ng hapon nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police Station ang akusado sa Brgy. Gen T De Leon.

Gumamit ng Body-Worn Camera (BWC) ang mga tauhan ni Col. Bisayas nang isilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 111, Bacoor City, Cavite para sa paglabag sa R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), Qualified Rape, at Rape by Sexual Assault na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Merly Duero