MANILA, Philippines – ISINELDA ang Isang 18-anyos na teenager matapos itong isumbong na may dalang baril sa Caloocan City kahapon, Hunyo 22.
Nabatid na nagpapatrulya ang mga tauhan ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth, dakong alas-2:55 ng madaling araw why sa Brgy. 132, Bagong Barrio nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport ang hinggil sa isang lalaki na armado ng baril.
Nang puntahan ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5 ang lugar, nakita nila ang lalaki na tinukoy ng concerned citizen na nakaupo sa isang motorsiklo at may hawak umanong baril.
Maingat nilang nilapitan ang binaya saka sinunggaban ang hawak na isang kalibre .9mm Armscor pistol na kargado ng anim na bala sa magazine.
Nang walang naipakitang mga dokumento ang suspek na si alyas “Nono” hinggil sa legalidad ng naturang armas, binitbit siya ng pulisya para sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni P/BGen. Arnold Abad, Acting District Director ng Northern Police District (NPD), ang mabilis na pagtugon ng Caloocan police sa pagtiyak ng kaligtasan ng komunidad. Merly Duero