PINAALALAHANAN ng Philippine Health Insurance Corporation ang lahat kaugnay ng kumakalat na pekeng mensahe kung saan si Dr. Edwin M. Mercado, Acting President and Chief Executive Officer (APCEO) ng PhilHealth, ay humihiling ng pagdedeposito ng pera dahil siya ay nasa isang mahalagang pulong kapalit ng pangakong ito ay ibabalik kaagad.
Ang mga sumusunod na detalye ang ginagamit ng scammer:
GCASH Number: 0938-4354071
NAME: MIEEL BRIIN LIIN
VIBER NAME: PCEO MERCADO EDWIN M
VIBER Number: 0961-8296586
Mariing pinabubulaanan ng PhilHealth na ang nasabing mensahe nagpapakilala mula kay Dr. Edwin M. Mercado. Ang mga mensaheng ito ay hindi totoo at mapanlinlang. Kung makatatanggap kayo ng ganitong mensahe, mangyaring huwag maniwala, huwag tumugon, huwag magpadala ng pera, at i-report agad sa PhilHealth o sa kinauukulang otoridad.
Maaaring makipag-ugnayan sa PhilHealth Corporate Action Center sa mga sumusunod na hotline numbers na bukas 24/7: Landline: (02) 8662-2588; Smart: 0998-8572957/0968-8654670; Globe: 0917-1275987/0917-1109812.
Maging mapagmatyag at magtulungan tayo upang mapigilan ang pagkalat ng mga scam na kagaya nito.
1. Huwag Tumugon: Kung nakatanggap ka ng mensahe na humihingi ng pera o mga personal na detalye, huwag tumugon o makipag-ugnayan sa nagpadala.
2. I-verify ang Pinagmulan ng mensahe: Kung nakatanggap ka ng kahina-hinalang mensahe mula sa isang taong kilala mo, mangyaring makipag-ugnayan kaagad sa kanila sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono upang kumpirmahin kung nagpadala sila ng mensahe.
3. Iulat ang Scam: Kung makatagpo ka ng mga mensaheng ito, mangyaring iulat kaagad ang mga ito sa Facebook o Viber upang malaman ang mga kaibigan ninyo sa Facebook o viber at maiwasan maging biktima at makatulong na protektahan din sila.
4. Ipagkalat ang scam message: Ibahagi ang mensaheng ito sa iyong mga kaibigan at ka-pamilya upang ipaalam kaagad na may gumagamit ng inyong pangalan at makatulong na maiwasan ang iba na mabiktima ng mga scam na ito.