Home NATIONWIDE 25 bagong Immigration officers sinanay

25 bagong Immigration officers sinanay

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of immigration (BI) na isinabak na sa pagsasanay ang nasa 25 bagong mga immigration officers sa Philippine Immigration Academy (PIA) sa Intramuros, Manila.

Ayon sa BI, sasailalim sa 27-araw na fast-track program ang mga nabanggit na bagong immigration officer kung saan sasabak sila sa pagsasanay sa border control techniques, immigration procedures at security protocols.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa BI Commissioner Norman Tansingco sa bagong officers.

“They represent the fresh face of Bagong Immigration, aligning with the national government’s Bagong Pilipinas campaign,” ani Tansingco.

Ang kanilang pagsasanay ay akma sa paghahanda bilang mga bagong inspectors sa paliparan upang matiyak ang episyente at epektibong immigration processes.

Binubuo ng siyam na babae at 16 kalalakihan ang sasailalim sa immigration laws, passenger assessment, at public service.

Sa oras na matapos ang kanilang pagsasanay, ang mga bagong opisyal ay ide-deploy sa international airports at frontline offices simula sa Mayo 1. JAY Reyes

Previous article‘Zero interruption’ ng suplay ng tubig pinatitiyak sa water provider
Next articleDTI NAGSAGAWA NG ONLINE PUBLIC CONSULTATION PARA SA SENIOR CITIZENS AT PWD DISCOUNTS