Home NATIONWIDE 25 bus companies na walang maayos na terminal facility pinagpapaliwanag ng LTO, LTFRB

25 bus companies na walang maayos na terminal facility pinagpapaliwanag ng LTO, LTFRB

0
25 bus companies na walang maayos na terminal facility pinagpapaliwanag ng LTO, LTFRB

MANILA, Philippines – Inisyuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ng show cause orders ang 25 bus companies na walang maayos na pasilidad sa kani-kanilang mga terminal, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Abril 21.

Ito ang ibinahagi ni Dizon matapos ang inspeksyon sa ilang bus terminal kung saan nakita ang mga hindi maayos at malinis na mga washroom, makeshift sheds na ang gamit lamang ay tarpaulin, at kakulangan ng mga electric fan.

“Para sa akin po, hindi katanggap-tanggap ito kaya po nag-issue ang LTFRB at ang LTO ng show cause order sa 25 bus companies. Pinatawag ko po lahat ng 25 na ‘yan this week at sila po ay talagang kailangang mag-comply sa standards ng mga terminal,” pagbabahagi ni Dizon sa panayam sa radyo.

“Bibigyan po natin sila ng panahon. Kung hindi po sila mag-comply within ‘yung taning na ibibigay natin, eh pasensyahan po. Talagang mag-i-impose tayo ng mabibigat na penalty laban sa mga bus company na ito,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Dizon na dapat magbigay ng maayos na pasilidad ang mga kompanya ng bus sa kanilang mga pasahero dahil nagbabayad ang mga ito ng buo sa pamasahe.

“Kasi ‘yung mga kababayan natin, buo ho ‘yung binabayaran niyan. Whole fare ho ‘yan and yet, wala silang upuan, wala ho silang electric fan, wala silang maayos na CR….Parang garahe lang,” ani Dizon.

Sa inspeksyon noong Semana Santa, nagbabala si Dizon sa mga ‘illegal bus terminal’ na ipasasara ang mga ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here