Home NATIONWIDE 25 katao hinostage ng mga magnanakaw sa bangko sa Italy

25 katao hinostage ng mga magnanakaw sa bangko sa Italy

114
0

ITALY – Hinostage ng mga magnanakaw sa bangko ang 25 katao sa loob ng dalawang oras bago tuluyang makatakas sa pamamagitan ng tunnel mula sa safe deposit boxes.

Ang tatlong nakasuot ng maskara na magnanakaw, kung saan ang isa ay armado, ay pumasok sa branch ng French Credit Agricole bank sa Naples bandang 11:30 ng umaga nitong Huwebes, Abril 16.

Hinostage nito ang mga customer at empleyado na nasagip matapos ang dalawang oras.

“Thanks to the swift response… all the hostages were freed shortly after 1:30 pm, without serious injuries,” ayon kay Naples Prefect Michele di Bari.

Pinasok ng mga pulis ang bangko sa pamamagitan ng pagbasag sa mga bintana ngunit nagawang makatakas ng mga magnanakaw sa tunnel “into the sewers.”

“The thieves took the contents of dozens of safe deposit boxes,” ayon sa pulisya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here