MANILA, Philippines – Aabot sa 25 lugar sa Pilipinas ang makakaranas ng “danger level” heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 45°C sa Miyerkules, Abril 23, 2025, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Tantsya ng PAGASA na aabot sa 45°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan, habang inaasahan din ang matinding init sa Aparri, Tuguegarao, at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas.
44°C
Aparri, Cagayan
Tuguegarao City, Cagayan
43°C
Laoag City, Ilocos Norte
Bacnotan, La Union
ISU Echague, Isabela
Baler (Radar), Aurora
Casiguran, Aurora
TAU Camiling, Tarlac
Sangley Point, Cavite City, Cavite
CBSUA-Pili, Camarines Sur
42°C
Sinait, Ilocos Sur
MMSU, Batac, Ilocos Norte
Calayan, Cagayan
Iba, Zambales
Clark Airport (DMIA), Pampanga
CLSU Muñoz, Nueva Ecija
Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
San Ildefonso, Bulacan
Ambulong, Tanauan, Batangas
San Jose, Occidental Mindoro
Puerto Princesa City, Palawan
Cuyo, Palawan
Legazpi City, Albay
Dumangas, Iloilo
Pasok sa kategoryang “danger” ng PAGASA ang heat index na 42°C hanggang 51°C, kung saan mataas ang posibilidad ng heat stroke.
Babala ng Department of Health (DOH), tumataas ang panganib ng mga sakit na dulot ng init gaya ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke sa ganitong kondisyon.
“Uminom ng maraming tubig at iwasan ang mga aktibidad sa labas mula 10 a.m. hanggang 4 p.m. Magsuot ng magaang damit at gumamit ng panangga sa araw,” paalala ng DOH. RNT