Home NATIONWIDE 25 nalitson sa lumiyab na bus!

25 nalitson sa lumiyab na bus!

INDIA – Hindi bababa sa 25 katao ang namatay at ilang iba pa ang nasugatan nang masunog ang isang pampasaherong bus sa kanlurang India nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Sinabi ng mga opisyal na nangyari ang aksidente sa distrito ng Buldana sa estado ng Maharashtra habang ang bus ay patungo sa Pune.

“Narekober namin ang mga bangkay ng 25 tao. Walo ang nasugatan,” sinabi ni Baburao Mahamuni, isang senior police officer sa distrito ng Buldana sa Anadolu.

Sinabi niya na ang mga nasugatan ay dinala sa isang ospital para sa paggamot.

Patuloy ang pagsisiyasat sa insidente pero base sa inisyal na imbestigasyon ay nagpapahiwatig na ang bus ay tumama sa isang divider at nasunog. RNT

Previous article2 gov’t worker, 10 pa arestado sa P1M droga
Next articleRuru, umiwas sa Eat Bulaga?