Home ENTERTAINMENT Ruru, umiwas sa Eat Bulaga?

Ruru, umiwas sa Eat Bulaga?

Manila, Philippines – Marami ang nagsasabing ginamit lang ni Ruru Madrid na excuse ang pagkakaroon ng prior showbiz commitment para makaiwas sa guesting sa revamped Eat Bulaga.

Asang-asa kasi ang mga fans ng Kapuso actor that he would grace EB’s first monthsary episode nitong July 1.

It would have been Ruru’s show of support lalo’t “nagkabardagulan” nitong Sabado ang tatlong noontime shows.

Ayon naman sa kampo ni Ruru, gustuhin man daw niyang mag-guest sa EB ay hindi posible dahil may natanguan daw itong showbiz commitment which he couldn’t afford to miss for the world.

Kaso, diskumpiyado ang mga netizens sa ibinigay niyang alibi.

Matatandaang matagal-tagal ding napanood si Ruru sa “old” EB along with real-life girlfriend Bianca Umali.

Ito ‘yung bago pumutok ang internal issue sa pagitan ng TVJ at ng Tape, Inc.

Posible raw kasing tinitingnan ni Ruru ang ipinakisama sa kanya ng programa.

Had he agreed to guest nga naman ay tiyak na katakutakot na pamba-bash ang aabutin niya.

Pero gaano katagal makakaiwas si Ruru sa guesting sa EB?

Saan at paano niya maipo-promote ang kanyang susunod na teleserye sa GMA, ang Black Rider?

Incidentally, to correct public misconcepcion ay si Ruru ang bibida sa Black Rider at hindi si Matteo Guidicelli.

Inakala kasi ng marami na ang nasabing serye is Matteo’s first ever big project upon his transfer to GMA. Ronnie Carrasco III