Home METRO P61M lotto jackpot nasolo!

P61M lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines – Wagi ang isang bettor na nanalo ng Lotto 6/42 jackpot nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Natumbok ng maswerteng bettor ang winning combinations na 18-25-12-14-13-22 para maiuwi ang jackpot prize na P61,234,178.20.

Samantala, walang nanalo para sa Grand Lotto 6/55 jackpot prize na 47,791,236.20.

Ang mga nanalong numero para sa Grand Lotto noong Sabado ay 21-26-15-48-35-30.

Ngayong Linggo, magsasagawa ang PCSO ng mga draw para sa Ultra Lotto 6/58 at Superlotto 6/49. RNT

Previous articleRuru, umiwas sa Eat Bulaga?
Next articleKagawad sa Tiaong malapitang tinadtad ng bala