Home METRO 250 seniors sa NCR nakatanggap na ng P1K/buwang pensyon

250 seniors sa NCR nakatanggap na ng P1K/buwang pensyon

MANILA, Philippines- May kabuung 250 indigent senior citizens sa Metro Manila ang unang batch na nakatanggap ng P1,000 kada buwang pensyon sa pagsisimula ng implementasyon ng Republic Act 11916 o ang Social Pension for Indigent Seniors Act.

Dinoble ng nasabing batas ang buwanang pensyon ng mga senior mula P500 sa P1,000.

Ayon sa ulat, mula sa P3,000, mahigit 4 milyong indigent senior citizens sa National Capital Region ang makatatanggap na ng P6,000 pensyon kada anim na buwan.

“Ang batas na ito ay parangal sa mga sakripisyo, malasakit at pagmamahal na walang sawang ipinagkakaloob ng ating mga lolo at lola,” pahayag ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian. 

Tumulong naman si first lady Liza Araneta Marcos sa pamamahagi ng pensyon sa inisyal na benepisyaryo.

“Sa mga lolo at lola diyan, senior citizens you are in good hands with DSWD,” aniya.

Ayon sa DSWD, umakyat ang nakaraang P25 bilyong pondo sa P49.8 bilyon, na sapat upang saklawin ang dagdag-pensyon.

Maaaring magtungo ang mga aplikante para sa Social Pension Beneficiary Program sa lokal nal Social Welfare Office.

Subalit, ang tinatanggap lamang sa programa ay may mga patunay na mahirap sila, walang natatanggap na pensyon, walang pinagkakakitaan, at walang natatanggap na suporta mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 400,000 pension applicants na pinoproseso pa ang aplikasyon para mapasama sa programa. RNT/SA

Previous articleBagong alituntunin sa Service Charge Law inilabas ng DOLE
Next articleClarin buo ang suporta sa ‘Bagong Pilipinas’