Buo ang suporta ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin sa isinusulong na ‘Bagong Pilipinas’ ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“Ang logo ng ‘Bagong Pilipinas’ ay sumisimbolo ng pagkakaisa. Sa kabila ng angking pagkakaiba-iba, ang bawat bahagi nito ay may kaluhugan na sumasalamin sa katangian ng isang ‘Bagong Pilipino.’ Magkakaiba man ang lahing pinagmulan, dayalektong binibigkas at kulturang kinalakhan, kapag ito ay pinagsama-sama, tayo ay pinagbubuklod ng iisang mithiin—ang pangarap na pagbabago tungo sa kasaganahan ng lahat,” sey ni Clarin, na seryosong isinusulong ang 3XPRO advocacy na ‘promote, professionalize, protect’ ang propesyunal na palakasan sa bansa.
“Higit sa isang panawagan, isa itong mataimtim na dasal, upang ang bawat isa sa atin ay isabuhay ang tunay na diwa ng isang Bagong Pilipino, sa ISIP, sa SALITA at sa GAWA. Mga Bagong Pilipino na siyang titimon sa daang tungo sa kasaganahan ng ‘Bagong Pilipinas.’”
Kamakailan lang ay nakipagkita kay Clarin ang mga representante ng M5 World Tournament champion, ang Bren Esports (AP.Bren), na sina CEO Jean Alphonse Ponce at COO Leo Andrew “Jab” Escutin, para talakayin ang mga isyu sa electronic sports.
Bukod rito, patuloy din ang mga programa ng GAB para sa kapakanan ng professional athletes sa bansa.