Home OPINION PMA KONTRA SA PAGSASALIGAL NG PAGGAMIT NG MARIJUANA PARA SA KARAMDAMAN

PMA KONTRA SA PAGSASALIGAL NG PAGGAMIT NG MARIJUANA PARA SA KARAMDAMAN

HINDI sang-ayon ang PMA o Philippine Medical Association sa anomang panukala na magsasaligal ng paggamit ng marijuana o cannabis sa bansa sa kadahilanang mas mabigat ang panganib na dulot nito kumpara sa sinasabing benepisyo. Dagdag pa ng samahan, may sapat na regulasyon sa tinatawag na “compassionate use of marijuana”.

Sa isang position statement na consensus ng 21 medical organizations sa bansa, tanging sinusuportahan lamang nito ang Food and Drug Administration approved medical cannabis preparations para sa ilang ispesipikong mga indikasyon.

Binigyang-diin ng PMA na ang legalisasyon ng paggamit ng marijuana ay lalong makakasama sa lipunan dahil luluwag ang bentahan nito na makakasama naman sa mga kabataan.

Nangangamba ang PMA na lalo nitong mahihikayat ang mga kabataan na gumamit ng marijuana na ikasisira ng kani­lang pag-aaral, relasyon sa loob ng tahanan at lipunan, at kani­lang mga pangarap.

Ayon sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency, ang marijuana ang siyang ikalawang ginagamit ng mga illegal drug addicts sa bansa.
Kaya naninindigan ang PMA sa anomang batas na magluluwag sa accessibility and social acceptance ng paggamit nito.

Kung usaping medikal naman, sabi ng PMA, nakasaad sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga lokal na pag-aaral sa paggamit nito.
Naglabas ng posisyon ang organisasyon ng 98,202 doctors sa bansa matapos lumusot sa House Committee on Dangerous Drugs at sa House Committee on Health ang mga panukala na pumapayag sa paggamit ng marijuana para sa medikal na pa­ngangailangan.

Paglilinaw naman ng House of Representatives, nananati­ling iligal sa bansa ang marijuana, magkakaroon lamang ng Medical Cannabis Office sa ilalim ng DOH o Department of Health para sa pagbibigay ng akreditasyon at permiso sa mga taong makagagamit nito.

Isa pang nakababahala na isyu na dapat bigyan pansin. Nasa limang bilyong tao sa buong mundo ang nanganganib mula sa transfat na nagpapataas sa tsansa ng heart disease at kamatayan ayon sa ulat ng WHO o World Health Organization.
Ang transfat ay walang anomang napatunayang benepisyo sa katawan kaya naman noong taong 2018 ay naglunsad na ang WHO ng mga programa at pag-aaral para sa eliminasyon nito hanggang taong 2023.

Madalas makita ang transfat sa packaged foods, baked goods, cooking oils, dairy products, doughnuts at mga palaman sa tinapay.

Itinuturo itong dahilan ng pagkamatay ng mahigit 500,000 na may coronary heart disease sa buong mundo base sa isang pag-aaral noong taong 2006.
Sa ulat na “Countdown to 2023 – WHO report on global transfat elimination 2022, may 43 bansa lamang ang nagpatupad ng mga programa para sa pagbabawas ng transfat na katumbas ng pagkakaligtas ng 2.8 billion na populasyon.

Ipinatupad ng WHO ang national mandatory limit na 2 grams industrially produced transfat per 100 grams of total fat in all foods.

Dito sa Pilipinas, sa isinagawang pagsusuri ng DOST-FNRI o ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute, lumabas na 17% ng mga produkto ay may mataas na transfat.

May mga ipinatutupad nang regulasyon ang DOH o ang Department of Health at FDA o Food and Drug Administration para makontrol ang pagpasok sa bansa ng mga produktong may mataas na transfat.

Previous articleKuya todas sa pananaksak ng naalimpungatang kapatid!
Next articleINDANG PNP ADVISORY COUNCIL PROJECT MATAGUMPAY