Home OPINION INDANG PNP ADVISORY COUNCIL PROJECT MATAGUMPAY

INDANG PNP ADVISORY COUNCIL PROJECT MATAGUMPAY

MATAGUMPAY ang inilunsad na symposium project ng Indang Municipal Police Station sa pamumuno ni P/Maj Edward B. Cantano at ng Indang PNP Municipal Advisory Council sa pamumunon ng Chairman nito na si Indang Municipal Councilor Hon. Constancio “Nilo” Telmo, Jr.

Ang symposium project na ito ng MPS at MAC sa Indang ay isinagawa noong Pebrero 13, 2024 upang mabigyan ng kamulatan at kaalaman ang mga kabataan lalo ang mga menor de edad sa responsableng pakikipagrelasyong pag-ibig kasabay nang pag-iwas naman sa tukso ng pagtatalik o sex.

Pinamagatan ang symposium project na ito na “Guarding The Heart” na may tatlong isyu na tinalakay. Una, Teen Age Pregnancy and Anti-Rape Law kung saan ang resource person ay si Jane Mojica – Masangcay. Ikalawa, “Where to Guard the Heart” na tinalakay naman ni Pastor Ryan Mojica, at ang huli ay “How to Guard the Heart” na buong husay na naipauna ni Pastor Roger Panganiban.

Ang unang symposium ay ginanap sa Saint Gregory Academy  para sa mga Grade 9 at 10 o Junior High students at Grade 11 at 12 ng Senior High Students habang ang pangalawang symposium naman ay ginanap sa Indang National High School  sa mga piling student council officers at classroom officers.

Ang ilan sa mga kaanib ng MPS at MAC na nakadalo ay sina Hon. Nilo Telmo, Mam Imee Creencia, Wilma Torres, Jessa Mae Llasus, Jane Mojica – Masangcay, Eijhay Tonged, James Lorenz Feraer Lasanque, Pastor Ryan Mojica, Pastor Roger Panganiban, Dann Fabros at inyong lingkod Paps Rex Del Rosario na tumayong emcee or master of ceremony sa symposium project na ito.

Ayon sa MPS at MAC ng Indang ay sisikapin pa nilang maipagpatuloy pa ang makabuluhang symposium na ito para maabot pa ang ibang mga kabataang estudyante sa highschools sa buong Indang, Cavite.

Previous articlePMA KONTRA SA PAGSASALIGAL NG PAGGAMIT NG MARIJUANA PARA SA KARAMDAMAN
Next articleDAGDAG GUSALI NG UDM, ITATAYO SA TONDO